1201am:

I think every relationship should be treated like a marriage. Don’t commit if you’re not serious. A relationship is also a promise to be more than just loyal and faithful, but also to always be there for each other through thick and thin. If you’re unsure, stick to dating. But don’t make a promise…

Haaaay!

Akala mo madali, akala mo masaya lagi.

Akala mo magaan, akala mo okay lang.

Takot? Siguro. ‘De, ayoko lang.

Bakit ba kasi hinayaan ko?

Bakit kasi hinayaan ako?

Naiinis ako sa mga tao.

Naiinis ako sa sarili ko.

Bakit kaya gano’n?

Bakit kaya gan’to?

Hindi ko na alam.

Iiyak na lang.

Ang saklap.

Ang hirap.

Asul na Bahay

Habang tinatahak ang kahabaan ng 20th avenue, bigla kong nakita ang isang pamilyar na mukha. Lumampas na ang kotseng sinasakyan pero sa lalaking pa rin ‘yun nakapako ang paningin ko imbis na sa daan. Andoon siya nakatayo sa tapat ng asul na bahay. Bumaba ako ng kotse at pumunta sa kinaroonan niya. Niyakap ko siya at biglang bumuhos ang aking luha.

Niyakap niya rin ako. Ang saya sa pakiramdam na makita siya ulit, pero sa kabila ng kasiyahan na ‘yun, ang dami kong tanong. Bakit mo kami iniwan? Hindi ka na ba babalik? Bakit ang payat-payat mo na? Hindi ka ba kumakain? hindi siya sumasagot. Ni hindi siya nagsasalita.

Iyak ako nang iyak pero sa puntong ‘yun kailangan ko muna siyang iwan dahil naghihintay na sa akin si Alden sa Cubao. 

All this time akala ko totoo. Ni hindi sumagi sa isip ko na, ‘oo nga pala, wala na si daddy' habang nangyayari ang mga eksenang 'yun. Na-realize ko lang na panaginip lang lahat noong ako'y naalimpungatan. Biglang tumulo ang luha ko. Bakit gano’n? Parang totoo. Ngayon alam ko na ang dahilan bakit ako malungkot nitong mga nakaraang araw. 

Freedom is the true essence of life.

The Scientist acoustic cover by Tyler Ward, Lindsey Stirling & Kina Grannis

y These random things.

These random things.

Isang araw niyaya mo ako para sa house blessing ng bago niyong bahay. Nagulat na lang ako dahil ‘di mo rin naman kasi nabanggit ‘yung tungkol dito. Ang laki, parang mansyon. Ang daming kwarto. Pinagawan din pala ako ng parents mo ng kwarto incase na gusto kong mag-sleepover do’n. 

Nakapagtataka lang dahil nakarating tayo doon ng hindi ko man lang alam kung saang parte ng Metro Manila iyon. Tinanong kita kung anong parte ‘yon ng Metro Manila pero ang sabi mo lang ay “Basta, mas malapit na sa’yo”. Hindi ako naniwala dahil parang jino-joke mo lang ako. So nagtanong ako sa tatay mo kung saang lugar ito pero hindi niya ako sinagot dahil busy siya sa mga tito’t tita mo. Tantya ko nasa parte lang ‘to ng Quezon City pero hindi pa rin ako kampante na ‘di ko alam kung saan eksaktong lugar ng bagong bahay niyo. Nagtanong ako sa ibang bisita pero sinagot nila ako ng, “Butuan City”.

Hinanap kita para i-confirm kung sa Butuan City nga ito. Pumasok ako ng bahay pero nalungkot lang din ako sa nakita ko. Imbes na puntahan ka ay dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Dumaan ako sa harap niyo at nakita mo akong umiiyak at nagpupunas ng luha. Habang naglalakad papunta sa kwarto ko ay sinundan mo ako para magpaliwanag nang biglang dumating si Inay (nanay mo) at nakiusap sa akin na huwag ko raw siya iwan. Bigla ko siyang tinawag ng, “Ma..”. Tuluy-tuloy pa rin ang agos ng luha ko hanggang sa ako’y nagising.

Umiiyak ako nang ako’y nagising. Panaginip lang ang lahat ng ‘to. Panaginip lang pala. Panaginip lang. 

With Mr. Francisco. :D

Hindi ko man maipaliwanag isa-isa sa ngayon kung anu-ano ‘yung pinagbago ko nang nakilala kita pero gusto ko lang magpasalamat sa’yo. Thank you! Maraming-maraming salamat!

Hindi mo lang binago ang pag-iisip ko sa mga bagay-bagay at sa kung anu-ano pang aspeto sa buhay, binago mo rin ang pakikitungo ko sa mga ito. Ikaw ang nagturo at nagpaunawa sa akin ng mga salitang simple, kuntento at masaya. Natutunan ko sa’yo ‘yung mga ‘yon habang hinahayaan mo akong makilala kita, habang hinahayaan mo ako maging parte ng buhay mo.

Masayang mabuhay kahit sa kabila ng lahat ng ‘to ay may mga problema kang pinagdadaanan. Sino ba namang tao ang walang pinagdadaanan ‘di ba? Gigising sa umaga - pasok sa trabaho/punta ng ospital - uuwi - matutulog - gigising ulit — pasok sa trabaho/punta ng ospital - uuwi - matutulog. Paulit-ulit. Naiisip ko na lang at the end of the day, nalampasan ko na naman ang isang araw na okay ang lahat. Sabi mo kasi sa akin, "Mag-pray lang tayo kay Lord." and that’s what I’m doing. 

Pinamulat mo sa akin ang totoong kahulugan ng buhay. Ayun, masarap palang mabuhay — ngayon ko lang ‘to nasabi sa sarili ko dahil hindi naman ako ganito noon na kapag may pinagdadaanan ay gusto nang takasan o magpakamatay. Seryoso, minsan ko na rin hiniling na sana mamatay na ako pero ngayon andito pa rin ako.

Ang galing talaga ni Lord.

Ang sarap mabuhay lalo na kung may nagbibigay sa’yo ng inspirasyon gumising sa umaga, gawin ang responsibilidad bilang isang indibidwal, magpakasaya at enjoy-in ang buhay. Ah basta! 

Ang sarap palang mabuhay.